ni Beth Camia

Hindi dumaranas ng foreign exchange crisis ang bansa.

Ito ang paglilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa isang economic forum kasunod ng patuloy na pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla, hinahayaan ng BSP na mag- adjust ng halaga ng piso lalo na’t nakabase rin ito sa market price kasama na ang takbo ng ekonomiya at iba pang usapin tulad ng tensiyon sa pagitan ng United States at North Korea. Tiniyak ni Espenilla na kontrolado nila ang exchange rate.

Noong Biyernes ay nabawasan pa ng P0.80 centavos ang halaga ng piso kontra dolyar kaya umabot ang palitan sa P51.08 kada isang dolyar.