TAIPEI – May magandang balitang hatid ang team Philippines mula sa Taipei Universiade 2017.

Kapwa ginapi nina University of Cebu stars Lemuel Agbon at John Vincent Cabaluna ang kani-kanilang karibal sa men’s table tennis preliminaries kahapon sa NTC Xinzhuang gymnasium.

Hiniya ni Agbon si Karan Rai ng Nepal, 3-1, at Carlos Barraza Vergara ng Colombia, 3-2, sa men’s singles competition.

Makakaharap ng 22-anyos na si Agbon si Habib Antoun ng Lebanon. Umusad si Antoun, 23, nang mamayani kina Vergara, 3-0, at 3-0.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Umusad naman ang 19-anyos na si Cabaluna nang higitan si Kevin Maloka ng Bostwana, 3-1, para maisaayos ang duwelo kay Joe Abdel Nour ng Lebanon.

Hindi naman pinalad ang tambalan nina Agbon-at Cabaluna sa men’s double competition.

Natalo sila nina Ondrej Bajger at David Reitspies ng Czech Republic.

Patuloy naman ang kabiguan ng Pinoy sa tennis, swimming at track and field.

Kinapos si Sharyl de los Santos kay Luenke de Kock ng South Africa, 2-6, 2-6 sa women’s sigles consolation pool sa Taipei gym.