Ni: Bella Gamotea

Patay ang isang hinihinalang holdaper habang sugatan ang isang pulis sa engkuwentro sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang suspek na kinilala sa alyas na Allan, nasa hustong gulang, na nagtamo ng mga bala sa katawan.

Patuloy namang nagpapagaling sa Pasay City General Hospital si PO2 Jerry Jubail, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 7 ng Pasay City Police, na nagtamo ng bala sa tiyan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat ni Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., Southern Police District (SPD) director, nakatanggap ng impormasyon ang Barangay 153 at ang PCP 7 na may kahina-hinala at armadong lalaki sa lugar at nirespondehan ng awtoridad na kinabibilangan ni Jubail.

Sa pagdating ng awtoridad, agad umanong bumunot ng baril si Allan at pinaputukan ang mga pulis bago tinangay ang isang pizza e-trike at tumakas hanggang sa nagkahabulan dakong 8:20 ng gabi.

Sa halip na sumuko nang masakote sa Magallanes flyover sa Makati City, muli umanong pinaputukan ni Allan ang mga pulis na naging sanhi ng kanyang pagtimbuwang at ikinasugat naman ni PO2 Jubail.

Narekober mula sa suspek ang isang caliber 45 at ilang basyo ng bala sa pinangyarihan.