DAHIL sa 288 kumpirmadong slot reservations sa kasalukuyan, tinitiyak ng organizers ng 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby na hindi kukulangin sa 300 matitinding kalahok ang maghaharap sa tinaguriang pinakamahigpit na labanan ng mga stags o mga batang tinale, sa buong mundo.

Sa pagtataguyod ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manila, ang Master Breeders Edition ay tatampukan ng mga stags na banded ng mga local associations sa ilalim ng Federation of International Gamefowl Breeders Associations (FIGBA) at nang Pambansang Federation ng Gamefowl Breeders (Digmaan) Inc. (PFGB-Digmaan). Tanggap din ang mga stags na banded ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) subali’t yung nasa Young category lamang.

Nakatakda sa Newport Performing Arts Theatre of Resorts World Manila sa Setyembre 15-24, ang kakaibang international stag derby na ito ay handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea, sa pakikipagtulungan nina Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa.

May kapahintulutan ng Games & Amusements Board, ang 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Editon) 9-Stag International Derby ay may garantisadong premyo na P15 Million para sa entry fee na P88,000 at ang minimum bet naman ay P55,000. Ang handler ng kampiyon na entry ay mag-uuwi ng isang bagong Mitsubishi Strada mula sa Resorts World Manila.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang bawat kalahok ay tatanggap ng commemorative plate kaloob ng Thunderbird Platinum. Ang 2-stag eliminations ay gaganapin sa Septyembre 15 (Group A), 16 (Group B) & 17 (Group C), samantalang ang 3-stag semis ay idaraos sa Sept. 18 (A), 19 (B) & 20 (C).

Pagkatapos ng semis, lahat ng entry na may iskor na 2-3.5 puntos ay maghaharap sa kanilang 4-stag finals sa Set. 21 (A), 22 (B) & 23 (C).

Lahat naman ng may iskor na 4,4.5 & 5 puntos ay magtutuos sa ika-24 ng Setyembre para sa kanilang 4-stag grand finals.