KUALA LUMPUR – Dinomina ng Perlas Pilipinas ang Vietnam, 118-44, kahapon sa pagtatapos ng elimination round ng 29th Southeast Asian Games women's basketball tournament sa MABA Stadium.

Tinapos ng Perlas ang round-robin tournament na may 4-2 karta, ngunit ang panalo ay nagbukas ng awang sa pag-asa ng Pinay cagers na makasambot kahit bronze medal. Magaganap ito kung matatalo ang Thailand sa huling dalawang laro.

Tangan ng Thailand ang 3-1 karta at nakatakdang harapin ang Indonesia sa Biyernes at Malaysia sa Sabado.

Nanguna si Cindy Resultay sa natipang 26 puntos at walong steals, habang kumana si Raisa Palmera-Dy ng 23 puntos para sa Perlas, naunsiyami ang kampanya sa gintong medalya nangh matalo ng Malaysia, 60-56.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Iskor:

Philippines (118) - Resultay 26, Dy 23, Pontejos 15, Castro 12, Animam 8, Cabinbin 6, Almazan 6, Bernardino 6, Tongco 6, Sambile 4, Abaca 4, Lim 2.

Vietnam (44) - Huynh 9, Trat 8, T.C.T. Nguyen 7, T.T.D. Nguyen 4, Bui 4, T.L.V. Nguyen 4, H. Linh 2, T. Tran 2, T.D.T. Pham 0, T.T.B. Pham 0.

Quarters: 20-21, 52-23, 86-33, 118-44.