Ni: Gilbert Espeña

Inaasahang wawasakin ng sagupaan nina dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. ng United States at UFC lightweight champion Conor McGregor ng Ireland ang world record sa pay-per-view hits sa Linggo na tinatayang hihigit ng $500 milyon sa T-Mobile Arena sa Paradise, Las Vegas, Nevada.

Ibinase ito sa presyong $99.95 kada panood na sisira sa kasalukuyang rekord na 4.6 milyong buys para sa laban ni Mayweather kay eight-division world champion Manny Pacquiao ng Pilipinas noong 2015 sa Las Vegas, Nevada.

Ayon sa BoxingScene.com, tiniyak na tatanggap si Mayweather ng $200 milyon sa sagupaan at $100 milyon naman kay McGregor at kikita ang sagupaan ng mahigit $700 milyon para lampasan ang $600 milyon ng Mayweather-Pacquiao bout.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nangako si Mayweather na patutulugin si McGregor dahil iyon ang trabaho niya bilang boksingero.

“It’s work,” sabi ni Mayweather. “My job is to be a fighter.”

Sinabi naman ni McGregor na hindi tatagal sa kanya si Mayweather ng dalawang rounds kaya panay ang drama nito sa kanyang lakas at timbang.

“This fight is not going to go the distance,” pangako ni Mayweather.