Ni: Rommel P. Tabbad

Magdadagdag pa ng mga driver ang ride-sharing service na Grab upang mapunan ang tumataas na demand nito kasunod ng isang buwang suspensiyon sa transport network company (TNC) na Uber.

Inihayag ni Grab Philippine country head Brian Cu na gumagawa na sila ng hakbang at nakikipag-ugnayan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng usapin. Idinagdag niya na marami na silang nai-ban at nasuspindeng driver dahil sa pagtangging magsakay ng pasahero at paniningil ng mataas na pasahe.

Nakiusap ang LTFRB sa Grab na tanggapin ang mga driver ng Uber matapos masuspinde ang operasyon nito dahil sa paglabag sa kautusan ng ahensiya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji