Ni: Genalyn D. Kabiling

Handang harapin ni Pangulong Duterte ang mga kahihinatnan ng anumang pagkakamali ng kanyang kampanya kontra droga sa gitna ng mga kritisismo sa umano’y pang-aabuso ng mga awtoridad na nagpapatupad nito.

Inamin ng Pangulo na hindi maiiwasang magkaroon ng “mistakes” sa operasyon ng gobyerno.

“Sometimes it can go wrong but if I do not destroy the drug problem, I will compromise the next generation. ‘Di natin alam kung sino ang leader na susulpot, eh. Nandito ‘yung problem, nandito tayo, atin ‘yan. Rise and fall on that issue,” pahayag ni Duterte sa salu-salo para sa dragon boat team ng Philippine Air Force sa Malacañang, nitong Martes ng gabi.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“Kung nagkakamali ako, then fine. Someday I will face the consequences. I’m ready to face the consequences but kailangan kong gawain ko and some other things in life,” aniya.

Ito ang naging pahayag ng Pangulo matapos kondenahin ng ilang grupo ang tumataas na bilang ng mga napapatay sa nasabing kampanya.

Lalong nagalit ang publiko sa pagpatay sa 17-anyos na si Kian Delos Santos sa anti-drug raid sa Caloocan, kamakailan.

Sinabi ni Duterte na tiwala siya kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino sa pagkakaloob ng “good service” sa pagpuksa sa illegal drug activities sa bansa.

“We have to fight drugs. We can commit mistakes such as the incident, the ruckus involving Delos Santos,” sambit ng Pangulo.