NI: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(San Sebastian Gym -Recto)

2 n.h. -- San Sebastian vs Jose Rizal (jrs)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4 n.h. -- San Sebastian vs Jose Rizal (srs)

HOST ang San Sebastian College sa duwelo kontra Jose Rizal University ngayon sa ‘NCAA Tour’ ng Season 93 basketball tournament sa San Sebastian Gym sa Recto Avenue sa Manila.

Sasabak ang Stags na wala ang leading player na si Michael Calisaan na suspindindo ng isang laro matapos mapatalsik sa nakaraang 75-73 panalo nila kontra Emilio Aguinaldo Generals noong Biyernes sa Fil oil Flying V Center sa San Juan City.

Nakatakda ang laro ganap na 4:00 ng hapon.

Aminado si coach Egay Macaraya na malaking kawalan si Calisaan na may averaged 16.5 puntos at siyam na rebounds, ngunit kumpiyansa siya na makakatayo sa sariling paa ang Stags.

“The only way we can win without Michael (Calisaan) is if we step up as a team, not just one, two or three players,” ayon kay Macaraya.

Magiging malaking hamon din para sa Stags ang katotohanang haharapin nila ang league No. 1 defensive squad na nagawang limitahan ang kanilang kalaban sa league-best 62.9 puntos kada laro na nagluklok sa kanila sa solong ika-4 na puwesto hawak ang barahang 4-3.

Tulad ng Stags, problemado rin ang Heavy Bombers bunsod nang malamyang opensa ni top gun Teytey Teodoro sa nakalipas na laro.

“He should play na kailangang magawa niyang ma-involve yung mga teammates niya. Kasi pag sa kanya lang yung bola tapos wala yung shooting inya, bumababa na yung kumpiyansa ng lahat,” pahayag ni JRU coach Vergel Meneses.