SEOUL (AFP) – Ibinunyag ng North Korea ang mga plano nito para sa kanyang missile programme kahapon, habang pinalalakas ni Kim Jong-Un ang produksiyon ng rocket engines at intercontinental ballistic missile (ICBM) nosecones.
Sinabi ng North na kailangan nito ng nuclear weapons para protektahan ang sarili laban sa US, at ayon sa mga analyst, nabunyag sa mga litratong inilabas kahapon ng pagbisita ni Kim sa Chemical Material Institute of the Academy of Defence Science ang malaking technological advances at mga ambisyon.
Nakatayo si Kim, nakasuot ng black suit, sa tabi ng isang malaking brown tube na ayon kay Joshua Pollack ng US Middlebury Institute of International Studies ay ‘’wound fibre cylinder, evidently a large-diameter solid-rocket motor casing in the making’’.
Lumalabas na ito ay gawa sa Kevlar o fibreglass, dagdag ng independent missile at nuclear analysts na si George Herbert.
‘’We have diagrams and names on two apparent new solid fuel multistage North Korean nuclear capable missiles,’’ isa sa mga ito ang ICBM at iba pang medium-or intermediate-range device, sinabi ni Herbert.
Dinebelop ng Academy of Defence Sciences ang mga missile ng North, at iniulat ng Korean Central News Agency na sinabi ni Kim na ito ang ‘’pride of our Party to have such unassuming heroes’’.
‘’He instructed the institute to produce more solid-fuel rocket engines and rocket warhead tips,’’ dagdag sa ulat,