MASON, Ohio (AP) — Binigo ni Garbine Muguruza si Simona Halep para sa korona at sa tsansang masungkit ang world No.1 ranking nitong Linggo (Lunes sa Manila), 6-1, 6-0, sa Western & Southern Open.
“Honestly, I was thinking in her situation, it must be difficult,” pahayag ni Muguruza. “But I wanted to win the title as well.”
Sa men’s side, nakopo ni seventh-seeded Grigor Dimitrov ang unang ATP Masters title nang gapiin si Nick Kyrgios, 6-3, 7-5.
Nakamit ni Muguruza ang unang titulo sa US at ikalawa ngayong taon matapos magbida sa Wimbledon.
“The tough matches never go my way, so I want to change that. I want to find the recipe this year,” aniya.
Nakapanghihinayang ang kampanya ni Halep — nabigo sa ikatlong pagkakataon na makuha ang No.1 ranking – matapos ang dismayadong laro sa French Open at Wimbledon.
“Maybe I feel the pressure and I don’t realize it,” pahayag ni Halep.
“Maybe I just played bad. I don’t know what to say. But it’s still there. I still have a chance, so I will work for it and maybe one day it will be there.”