ni Rey Bancod

KUALA LUMPUR – Sisimulan ng 22-member men’s and women’s indoor hockey teams ang kampanya ng Team Philippines sa 29th Southeast Asian Games.

Nabuo nito lamang Enero at nagsanay sa Emilio Aguinaldo College (EAC) multi-purpose court at Ninoy Aquino stadium, dalawang venue na kapwa malayo sa tunay na kalidad para sa naturang sports.

Sa kabila nito, kumpiyansa si Christian Galicia, playing coach ng men’s team, sa laban ng Pinoy.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ngunit, kumpara sa lugar na pinagsanayan, kakaiba ang sahig sa MiTECH Hall 4.

“Siyempre iba ang magiging talbog,” pahayag ni Galicia.

Matagal nang nilalaro ang Indoor hockey sa bansa, ngunit ang kakulangan sa pasilidad ang nmagpapabagal sa kaunlaran ng sports at kamalayan sa kabataan.

Pawang mga dating football at volleyball players ang mga miyembro ng national team team.

Ayon kay Celfin Naz, isang varsity football player, malaki ang pagkakahawig sa galaw at taktika sa paglalaro ng indoor hockey.

“Parang football lang sa galaw, kaya madali namin maintindihan,” aniya.

Anim na players, kabilang ang goalkeeper, ang sasabak sa bawat koponan at pinapayagan ang pagpalit ng player aumang oras.

Unang sasabak ang men’s team laban sa Malaysia ganap na 10:30 ng umaga ngayon, habang ang women’s squad ay nakatakdang lumaban sa dalawang laro laban sa Thailand sa 12 ng tanghali at kontra Malaysia ganap na 6 ng gabi.