Ni Rey Bancod
KUALA LUMPUR – Kumpiyansa si Fil-German Katharina Lenhert sa kampanya sa tennis competition ng 29th Southeast Asian Games dito.
Kabilang ang 24-anyos sa grupo ng mga atleta na dumating kahapon sa athletes village. Nagmula si Lenhert sa Braunschweig, Germany kung kaya’t bakas sa kanyang mukha ang pagkapagal sa halos 12 oras na biyahe.
“I think I’m a better and more matured player this year,” sambit ni Lenhert, nagwagi ng silver at bronze medal sa Singapore edition.
Agaw-pansin ang taas at kagandahan ni Lenhert, ngunit mas nais niyang mapatanyag dahil sa angking husay. Bilang ‘sidelined’ nagsasagwa rin siya ng tennis clinics.
“I have currently eight students, all Germans,” pahayag ng lisensiyadong trainer.
Sa edad na 7, nagwagi siya ng titulo sa International Tennis Federation (ITF) singles at doubles event.
Ang kanyang pinakamataas na panalo sa ITF singles ay runner-up sa Hua Hin, Thailand nang mabigo kay Li Xiyuan ng China, 6-2, 4-6, 3-6.
Sa doubles, runner-up ang tamlaban nila ni Pia Konig ng Austria sa Almaty, Kazahkstan nitong Pebrero.
Kasama niya sa women’s team sina Dennis Dy, Khim Iglupas at Anna Clarice Partrimoniom habang miyembro ng men’s squad sina Francis Casey Alcantara, Ruben Gonzales Jr., AJ Lim at Jeson Patrombon.