Ni: Nitz Miralles
MATITIGIL na siguro ang iringan nina Daniel Padilla at Paul Salas sa Twitter dahil sa basketball.
Naghamunan ng basketball ang dalawa, sumali ang fans at pati ang girlfriend ni Paul na si Barbie Imperial na ipinagtanggol siya.
Nag-trending ang comment ni Daniel na, “Ano? Sagot” nang tanggapin nito ang hamon ni Paul at ng mga kaibigan nito.
Nag-trending din si Paul, pero dinelete nito ang tweet na, “Maglaro ka na lang ng lazer tag kung ayaw mo masaktan sa basketball.”
Nag-tweet si Karla na naka-address kina Daniel at Paul ng, “Tama na, guys. Matulog tayo ng matiwasay. Lilipas din lahat ‘yan. At tayo-tayo rin ang magkikita sa dulo.”