Ni: Leandro Alborote
CONCEPCION, Tarlac - Isang empleyado sa munisipalidad ng Concepcion sa Tarlac na matagal na umanong minamanmanan sa kanyang mga ilegal na aktibidad ang nalambat ng mga pulis sa buy-bust operation sa Barangay San Nicolas, nitong Huwebes ng gabi.
Positibong kinilala ni SPO2 Jordan Martin Tolentino ang naaresto na si Joel Cecilio, 43, binata, ng Bgy. San Jose Poblacion, Concepcion.
Nakuhanan na umano ng hinihinalang shabu si Cecilio, ngunit nang muling kapkapan ay sinasabing nasamsaman pa ng dalawang plastic sachet ng hindi pa tukoy na halaga ng droga.