May 21, 2026

Home BALITA

‘Di kailangang maging perpekto para tanggapin ng Diyos—Romualdez

‘Di kailangang maging perpekto para tanggapin ng Diyos—Romualdez
Photo Courtesy: Santi San Juan/MB

Nagbigay ng mensahe si dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez para sa umano’y isang mapagpalang Linggo.

Sa latest Facebook post ni Romualdez nitong Linggo, Abril 12, sinabi niyang hindi umano kinakailangang maging perpekto upang tanggapin ng Diyos.

“Hindi mo kailangang maging perpekto para tanggapin ng Diyos ang iyong puso. Minsan, ang kailangan mo lang ay huminga nang malalim — at paalalahanin ang iyong sarili na kasama mo Siya sa bawat hakbang,” saad ni Romualdez.

Dagdag pa niya, “Ang Kanyang biyaya? Hindi ito seasonal. Hindi ito panandalian. Ito ay umaapaw — sa maliwanag mang araw o sa gitna ng bagyo ng buhay.”

Kaya naman hinikayat niya ang publiko na magtiwala dahil ang linggong ito ay puno umano ng posibilidad na inilaan ng Diyos.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

“Blessed Sunday, everyone!” pahabol pa niya.

Matatandaang napaulat noong Disyembre 2025 na kabilang si Romualdez sa 86 na indibidwal na pinakakasuhan bago matapos ang taon.

Maki-Balita: Romualdez, 86 iba pa inirekomendang kasuhan bago matapos ang taon—Sec. Dizon

Isa siya sa mga mambabatas na pinangalanan ng kontraktor na si Curlee Discaya na tumatanggap umano ng porsyento sa pondo ng mga kontrata sa maanomalyang flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH officials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co

Samantala, kinumpirma naman ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla noong Abril 6 na napipintong masampahan ng kasong plunder si Romualdez kasama si dating Senate President Chiz Escudero.

Maki-Balita: 'Flood control-related!' Romualdez, Escudero, napipintong makasuhan ng plunder