NI: Reuters

KINUMPIRMA ng British actor na si Daniel Craig na muli siyang gaganap sa papel na James Bond sa huling pagkakataon, na tumapos sa ilang buwan nang espekulasyon.

daniel-craig copy

Inihayag ito ni Daniel nang mapanood siya sa U.S. TV program na The Late Show nitong Martes. Tinanong siya ng host na si Stephen Colbert kung magbabalik siya bilang si James Bond, at sumagot si Daniel ng: “Yes”, na ikinatuwa ng audience.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Apat na beses nang gumanap si Daniel bilang spy with a taste for martini: sa Casino Royale, Quantum of Solace, Skyfall at Spectre.

Sinabi ng Eon Productions, ang kumpanyang namamahala sa movie franchise, sa pamamagitan ng website nito na ang 25th Bond movie ay ilalabas sa mga sinehan sa U.S. sa Nobyembre 8, 2019, at may traditional early release sa Britain at iba pang mundo.

Nang tanungin ni Colbert kung magbibida pa siya sa Bond movies pagkatapos nito, sinabi ni Daniel na hindi.

“I think this is it. I just want to go out on a high note and I can’t wait,” aniya.