Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

NAGBIGAY ng limang milyong pisong donasyon si Robin Padilla sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matulungang makabawi sa pamumuhay ang mga biktima, lalo na ang mga bata, sa nagpapatuloy na giyera sa Marawi City, Lanao del Sur.

Iniabot ni Padilla ang donasyon nang bisitahin niya si Pangulong Rody Duterte sa Malacañang, nitong nakaraang Miyerkules ng gabi, bago lumipad pabalik sa Davao City ang Pangulo.

President Rodrigo Roa Duterte shows a gesture of gratitude to actor Robin Padilla after the latter donated P5-million to the Department of Social Welfare and Development in Malacañan Palace on August 16, 2017. The donation is intended for the the immediate psychosocial intervention for the children affected by the armed conflict in Marawi City. ROBINSON NIÑAL JR./PRESIDENTIAL PHOTO
President Rodrigo Roa Duterte shows a gesture of gratitude to actor Robin Padilla after the latter donated P5-million to the Department of Social Welfare and Development in Malacañan Palace on August 16, 2017. The donation is intended for the the immediate psychosocial intervention for the children affected by the armed conflict in Marawi City. ROBINSON NIÑAL JR./PRESIDENTIAL PHOTO

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nasaksihan ni Duterte ang pagpirma ng deed of donation (DOD) at ang turnover ng tseke na nagkakahalaga ng limang milyong piso, ni Robin kay DSWD Undersecretary Emmanuel Leyco.

Ayon sa Malacañang, ang donasyon ni Robin ay para sa “immediate psychosocial intervention for the children affected by the armed conflict in Marawi.”

Bukod kay Duterte, sinaksihan din ang turnover ceremony nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, DSWD Assistant Secretary Rodolfo Santos, at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff General Eduardo Año.

Kasama naman ni Robin sina Fisheries Development Authority General Manager Glen Pangapalan, Frabelle Foods Corp.

President Francisco Tiu Laurel, Jr., at ang kapatid niyang si Rommel Padilla.

Sa kanyang Facebook account, pinuri ni Robin ang mga pagsisikap ni Duterte na isailalim sa rehabilitasyon ang Marawi, partikular ang pagbubuo ng Task Force Bangon Marawi.

Lahad ni Padilla, nagbigay ng klarong paliwanag sina Lorenzana at Año tungkol sa ligtas at maingat na pagbabalik ng mga lumikas na residente sa kani-kanilang bahay.

Binigyang-diin naman nina Duterte at Leyco na kailangan ng mga residente ang tubig at pagkain.

Tinatayang 400,000 katao ang inilikas dahil sa giyera ng militar at ng pro-Islamic State (ISIS) Maute group na nagsimula noong Mayo 23, 2017. Bunsod nito, nagdeklara ng batas militar si Duterte sa buong Mindanao. Ang deklarasyon ay pinahaba ng Kongreso hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon sa AFP, iba’t ibang grupo na ang nagsagawa ng psychosocial aid sa Marawi City upang malaman ang dulot ng karanasan ng mga inilikas na residente, partikular ang mga bata.

Isa si Robin sa mga prominenteng tagasuporta noong kasagsagan ng kampanya ni Duterte sa pagkapangulo.

Noong Nobyembre 2016, binigyan ni Duterte si Robin ng absolute pardon sa kasong illegal possession of firearms noong 1994 at nasentensiyahan ng 21 taong pagkakakulong. Nakulong siya nang umakyat ang kaso sa Court of Appeals noong 1995. Nakalabas siya sa kulungan nang bigyan ng conditional pardon ni dating Pangulong Fidel Ramos noong 1997.

Isa rin si Robin sa mga inirerekomenda ng Board of Pardons and Parole para pagkalooban ng executive clemency.