Ni: Bella Gamotea

Isinara kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang sampung bus terminal sa EDSA Quezon City dahil sa hindi pagsunod sa panuntunan ng ahensiya at paglabag sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng pamahalaang lungsod.

Pinangunahan nina MMDA Chairman Danilo Lim, katuwang ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) at ang Quezon City BPLO, ang pagsasara sa mga nasabing bus terminal dakong 1:30 ng hapon kahapon.

Kabilang sa mga ikinandado ang Jac Liner, Philtranco, DLTB Company, Five Star Liner, Pangasinan Cisco, Golden Bee, First North Luzon, Amihan Bus Lines, Lucena Lines, at ES Transport terminals.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hindi umano sumunod sa “Nose In, Nose Out” policy ng pamahalaang lungsod ang mga nabanggit na terminal kaya ipinasara ito ng MMDA.

Matatandaang unang isinara ng MMDA ang apat na bus terminal sa EDSA, Pasay City dahil sa kaparehong paglabag.