Ni: Fer Taboy

COTOBATO CITY – Malubhang nasugatan ang isang pulis makaraang hagisan ng granada ng riding-in-tandem ang kanyang bahay sa Cotabato City, Martes ng gabi.

Ayon sa impormasyong natanggap ng Cotabato City Police Office (CCPO), nangyari ang pagsabog bandang 7:50 ng gabi sa Barangay Rosary Heights 3.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si PO2 Yasser Usop, nakatalaga sa Maguindanao Police Provincial Office (MPPO).

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Ayon kay Senior Supt. Victor Valencia, director ng CCPO, kararating lamang ng biktima sa bahay nito, mula sa kanyang duty nang may maghagis ng granada na ikinasugat ni Usop.

Tinitingnan ng pulisya ang anggulo ng trabaho ng biktima bilang motibo sa tangkang pagpatay dito.