HELSINKI (Reuters) – Pinasinayaan ng HMD Global, ang Finnish start-up na naglalayong muling palakasin ang Nokia phone brand, nitong Miyerkules ang Nokia 8, taglay ang high-quality audio at video features.

Ang Android device, nakatakdang ilabas sa September, ay haharap sa matinding laban sa inaabangang 10th anniversary iPhone ng Apple at sa Galaxy Note 8 ng Samsung na ilalabas sa susunod na linggo. Ang suggested price tag ng Nokia 8 ay 599 euros o P36,000.

Ipinagmamalaki ng top-of-the-line Nokia 8 ang dual-sight video na kayang pagsabayin ang live-streaming sa social media networks mula sa parehong front at rear camera sa split screen at lens technology mula sa camera maker na Carl Zeiss. Tulad ng Huawei P10, mayroon itong surround-sound audio technology na gawa ng sarili nitong virtual reality camera na OZO para sa Hollywood professionals.

“This is especially meant for millennial creators, people who want to share what’s happening every day,” sabi ni HMD chief marketing officer Pekka Rantala.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina