Ni: Bert De Guzman

Nais paimbestigahan ng Kamara sa Department of National Defense (DND) ang mga ulat na ang mga bala na gawa sa Government Arsenal sa Bataan, ay napupunta sa kamay ng Maute Group at ginagamit laban sa mga sundalo ng pamahalaan sa Marawi City.

Sa pagdinig sa budget ng DND, sinabihan ni House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles si Defense Secretary Delfin Lorenzana na magsiyasat tungkol dito.

Hindi direktang itinanggi ni Lorenzana na ang kahun-kahong bala na may marka ng Government Arsenal na narekober ng tropa ng gobyerno sa ilang lugar sa Marawi, ay talagang napunta sa Maute.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter