Ni: Liezle Basa Iñigo

Tatlong hinihinalang drug trader ang napatay sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 2 at ng Alcala Police sa highway ng Barangay Tupang, Alcala, Cagayan.

Sa report kahapon ni PDEA-Region 2 Director Laurefel Gabales, dakong 10:00 ng gabi nitong Lunes nang isagawa ang buy-bust sa Bgy. Tupang na nauwi sa shootout.

Natunugan umano kaagad ng target na si Hasim Cali, ng Bgy. Pampang, Angeles City, Pampanga, na mga pulis ang kanyang katransaksiyon at nagpaputok ng baril na nauwi sa sagupaan.

Namatay sina Cali, Asnali Datu, ng Quezon City; at isang hindi pa nakikilala.

Probinsya

Lalaking nasakote ng pulisya sa pagnanakaw ng avocado, tumakas at nang-hostage ng buntis!

Nakumpiska ng mga awtoridad ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na may 2.5 gramo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P16,000.

Nakarekober din umano ang mga awtoridad ng isang transparent plastic bag na may 50 gramo ng hinihinalang shabu, dalawang .38 caliber revolver na may pitong bala, isang Toyota Vios, at iba’t ibang ID.