MOGADISHU (AFP) – Isang dating deputy leader at spokesman ng mga rebeldeng Shabaab ng Somalia ang sumuko sa pamahalaan nitong Linggo.

Si Muktar Robow, may patong na $5 milyon pabuya mula sa United States dahil sa kanyang papel sa mga militanteng Islamist na kaalyado ng Al-Qaeda.

Nagkaalitan sila ng dating Shabaab leader na si Ahmed Abdi Godane apat na taon na ang nakalipas kayat napilitan siyang magtago sa kanyang bayan sa timog kanlurang rehiyon ng Bakool, ngunit hindi niya pormal na tinalikuran ang rebelyon.

“Muktar Robow defected from Shabaab and he is now in Hudur meeting with government officials,” inihayag ni district commissioner Mohamed Moalim, na ang tinutukoy ay ang Bakool district capital.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Napatay si Godane sa US air strike noong 2014, ngunit tila nagpatuloy ang alitan ng mga militante at ni Robow.