Ni: Light A. Nolasco
SAN ANTONIO, Nueva Ecija – Nagbigti ang isang 24-anyos na babae makaraang makipagtalo sa kanyang lolo nitong Biyernes ng gabi sa Purok 6, Barangay Luyos, San Antonio, Nueva Ecija.
Sa ulat ni Chief Insp. Marlon Cudal, kinilala ang nagpatiwakal na si Sharlene Villanueva Alcantara, na hindi na umabot nang buhay sa ospital.
Bandang 6:30 ng gabi nang magtalo sina Alcantara at lolong si Narciso kaya nagkulong ang biktima sa sariling silid.
Nang silipin ng live-in-partner ang biktima ay tumambad ang nakabigting bangkay nito.