CHARLOTTESVILLE, Virginia (Reuters) - Tatlong katao ang namatay nitong Sabado at 35 iba pa ang nasugatan nang maging bayolente ang protesta sa Charlottesville, Virginia. Nagkasagupa ang white nationalists na tumututol sa mga planong alisin ang istatwa ng isang Confederate general at mga nagkontra-protesta, at isang sasakyan ang nanagasa ng mga tao sa kalye, sinabi ng mga opisyal.

Kabilang sa mga namatay ang isang 32-anyos na babae, sinabi ni Charlottesville Police Chief Al Thomas. Nasa kustodiya na ang lalaking driver ng nanagasang sasakyan.

Makikita sa video sa social media at mga litrato ang pagbangga ng sasakyan sa isang malaking grupo ng mga nagkontra-protesta, na nagtalsikan.

Binibigyang-diin ng mga sagupaan kung paano muling umusbong ang white supremacist movement sa ilalim ng “alt-right” banner matapos ang ilang taong pananahimik.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Isinulat ni Republican US Senator Cory Gardner sa Twitter: “Mr. President - we must call evil by its name,” idinagdag na “These were white supremacists and this was domestic terrorism.”