Bayani Agbayani at Karla Estrada
Bayani Agbayani at Karla Estrada

NAGBABALIK sina Bayani Agbayani at Karla Estrada para sa pinakabagong season ng Funny Ka, Pare Ko sa CineMo. Makakasama na nila sa cast si Wacky Kiray, ang unang grand winner ng I Can Do That.

Huling nakita ang Delyon family na nagbabakasyon sa Baguio kasama ang mga Komikero matapos ang graduation ng kanilang anak.

Nagbabalik sila matapos ang time-jump na dalawang taon kaya nasa kolehiyo na si Jay-ar at nag-aaral ng culinary arts. Tuluyan namang lumago ang eatery nina Bigboy (Bayani) at Karla (Karla). Tunay na ang restaurant nila kasosyo ang kanilang mga bayaw na sina Pags (Alora Sasam) at Dong-Dong (Jayson Gainza), na nagsara ng kanilang salon para sa mapalaki ang kainan ng mga Delyon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Habang lumalago ang negosyo ng mga Delyon ay patuloy rin ang pagtulong nila sa mga Komikero sa pamamagitan ng pagbebenta nila ng “Bigboy’s Famous Adobo.” Ngunit, mayroon pa ring mga kumukontra sa kanilang tagumpay.

Masaya si Wacky Kiray na mapabilang sa cast ng Funny Ka, Pare Ko.

“Ang sarap ng feeling na kasali na ako rito sa Pare Ko kasi ang mga kasama ko rito ngayon ay mga magagaling lahat na mga aktor pagdating sa comedy,” aniya.

Gaganap siya bilang may-ari ng isang laundry shop pero hindi pa rin masasabi kung siya ba ay magiging kaibigan sa mga Delyon o magiging kontrabida gaya ni Victor (Jobert Austria) na gustong sirain ang negosyo ni Bigboy.

Nagpapasalamat sina Bayani at Karla para sa patuloy na suportang nakukuha ng palabas na hinirang na Best Comedy Program sa 15th Gawad Tanglaw Awards.

Ani Bayani, ang Best TV Actor for a Comedy Program ng 25th KBP Awards, “Nakakatuwa, kasi maraming mga taong natutuwa at nanonood doon sa show.”

Sabi naman ni Karla, “sobrang overwhelmed kami dahil ang gaan gaan ng ginagawa namin and yet tinatangkalik.”

Abangan ang mga bagong episode ng pinakabagong season ng Funny Ka, Pare Ko,tuwing Linggo, 5 ng hapon sa CineMo.

Ang CineMo ay mapapanood sa ABS-CBN TVplus. Ang ABS-CBN ang unang media at entertainment company na nagpakilala ng digital terrestrial television noong 2015 para mas maging maganda ang TV viewing experience ng mga Pilipino.

Gamit ang digital signal transmission, nagiging malinaw ang mga palabas sa TV. Bukod sa exclusive channels, nakakasagap din ang TVplus box ng ibang channels na gumagamit na ng digital signal. Wala ring monthly fee ang ABS-CBN TVplus.