Ni: Rommel P. Tabbad
Dalawa hanggang apat na bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong buwan.
Ayon sa meteorologist na si Nathaniel Cruz, posibleng isa lamang sa mga ito ang tatama sa lupa.
Gayunman, paiigtingin pa rin ng mga bagyo ang southwest monsoon na magdadala ng mga pag-ulan sa Luzon at Visayas, at posibleng magdulot ng mga pagbaha at landslide.