NI: Argyll Cyrus B. Geducos

Nag-alok si Pangulong Duterte ng P2 milyon reward sa impormasyong makatutulong sa pagdakip sa bawat isa sa mga pulis na sangkot sa mass killing sa Ozamiz City, na sinasabing kinasasangkutan ng pamilya Parojinog.

Ito ay kasunod ng pagkakatuklas noong nakaraang linggo ng ilang kalansay ng sibilyan na ibinaon sa likod ng barangay hall ng Barangay Cogon sa Ozamiz City.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa pagdalo niya sa 116th Police Service Anniversary ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City, kahapon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagbabala rin si Duterte sa mga pulis na nauugnay sa mga Parojinog, partikular kay Mayor Reynaldo Parojinog Sr., na napatay sa raid, kasama ang 15 iba pa, nitong Hulyo 30.

“I will be visiting Ozamiz. I will not tell you when, but I will warn the policemen there,” ani Duterte. “’Yung kasama ni Parojinog and his cahoots who are members of the PNP, you will have your comeuppance. I will see to it that you too will get a fair share of [justice].”