Ni: Light A. Nolasco

RIZAL, Nueva Ecija - Kalaboso ang isang 44-anyos na barangay kagawad at kasamahan nito makaraang maaresto ng pinagsanib na mga operatiba ng Rizal Police, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3, at Nueva Ecija Police Provincial Office-Drug Enforcement Unit (NEPPO-DEU) sa buy-bust operation sa Pinagpanaan Road sa Barangay Aglipay sa Rizal, Nueva Ecija, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga naaresto na sina Jayson Tabangay y Castelo, may asawa, kagawad ng Brgy. Agbannawag; at Edgar Sanchez y Espanto, 50, magsasaka, kalugar ng kagawad, matapos makipagtransaksiyon sa poseur buyer na si PO3 Rowel Calayan.

Nakumpiska umano kay Tabangay ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu at R500 marked money, habang isang pouch na may walong pakete ng shabu naman ang nasamsam umano mula kay Sanchez.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog