Ni BETH CAMIA

Nakaalerto ngayon ang buong puwersa ng Cavite Police Provincial Office matapos makapuga ng limang preso mula sa lock-up cell ng Rosario, Cavite, kahapon ng umaga.

Nagpanggap na patay ang isa sa mga preso kaya napilitan si SPO2 Africa, jail guard, na buksan ang pinto ng selda, ayon kay Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon police.

Kinilala ang mga tumakas na preso na sina Dannymar Carino, Ryan James Villanueva, Frederick Legaszpi, Lindon Bartolo at Josefino Abad, na pawang nahaharap sa kasong illegal drugs.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Bumuo ng tracker team ang Cavite police para sa pagtugis.