ni Bert De Guzman

Sinabi ni House Appropriations chairman Karlo Nograles na dapat magkaroon ng mas mahigpit na alituntunin sa operasyon ng Small Town Lottery kasunod ng pag-amin ng mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ilang taong nagpapatakbo ng ilegal na pasugal, tulad ng “jueteng”, ang siya ring nagpapatakbo ng STL.

Ayon kay Nograles, malaki ang nawawalang kita ng gobyerno dahil ang prangkisa ng STL ay ginagamit ng franchise holders bilang front sa kanilang ilegal na operasyon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'