Ni: Reggee Bonoan

TAOB ang buong cast ng pelikulang Woke Up Like This ng Regal Entertainment sa production number ng kanilang producer na si Mother Lily Monteverde na sumayaw ng Despacito with matching costume na pang-basketball.

MOTHER LILY AT LOVI copy copy

Pagkatapos ipakilala ang mga bida ng Woke Up Like This na sina Vhong Navarro, Cora Waddel, Dionne Monsanto, Yana Asistio, Raikko Mateo at Lovi Poe kasama ang direktor nilang si Joel Ferrer ay sunod na ipinakilala ang lady producer para sa espesyal niyang sayaw.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

In fairness, ang galing gumalaw ni Mother Lily, graceful at kayang-kayang sumabay sa mga dancer. Hayun, gulat na gulat, napanganga, at panay ang palakpak sa kanya ng mga dumalo sa presscon at halos lahat ay kinunan siya ng video at in-upload sa YouTube.

Napaka-talented pala ni Mother Lily, Bossing DMB. Ang alam lang natin dati ay mahusay siyang tumugtog ng piano, marunong kumanta, eh, pati pala pagsasayaw mahusay siya.

Mukhang ganado si Mother Lily sa Woke Up Like This movie nila dahil talagang um-effort siyang sumayaw sa presscon.