Ni REGGEE BONOAN

KAILAN kaya aaminin sa publiko nina Janella Salvador at Elmo Magalona ang kanilang relasyon, dahil halos lahat naman ng mga taong nakakasama nila sa show at mga nakakakita sa kanila sa mga dressing room o standby area ay alam nang magkarelasyon sila.

JANELLA AT ELMO copy

Lahat ng sources namin na nakakakita sa kanila ay nagsasabing lagi silang magkadikit na parang kambal-tuko.

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang 'femicide' at bakit nakababahala ito?

“Laging magkahawak ang kamay o kaya si Janella nakasandal kay Elmo o ‘yung ulo niya nakahilig kay Elmo. Kung hindi sila magsiyota, ano ‘yung pagiging dikit-dikit nila? Hindi sila mapaghiwalay,” sabi ng spy namin sa ABS-CBN.

May nagbanggit din sa amin na kapag may TV guesting si Elmo, kahit hindi naman kasama si Janella ay present ang dalaga. In short, sinamahan niya ang binata at balewala sa kanya kung maghintay man siya ng mahabang panahon bago isalang ang ka-love team.

At habang tinitipa namin ito, nadaanan namin sa Twitter account ni ELNELLA ‘NIC’ na bumili si Janella ng shoes na Vans pink na pareho nilang suot na may caption na, “Binili ko na guys #ELNELLA @superjanella @SuperElmo.” Ni-retweet naman ito ng Mommy Pia Magalona ni Elmo.

Anyway, ano na ang next teleserye ng ElNella? Balita kasi namin ay nawala na sila sa serye na gagawin sana nila under Dreamscape Entertainment.