Ni NITZ MIRALLES

SI Nadine Lustre naman ang nag-deactivate ng Twitter account. Matatandaan na nauna nang nag-deactivate ng Twitter account sina Maine Mendoza at Liza Soberano.

“User not found” na ang status ng Twitter account niya na may 1.6M followers. Hindi pa alam kung bakit nag-deactivate sa Twitter ang aktres at sabi nga ng fans niya, sinayang ang maraming followers.

Nadine Lustre
Nadine Lustre
On the other hand, sa ginawang pagde-deactivate ni Nadine sa isa sa social media accounts niya, nakaiwas siya sa stress, away at sakit ng ulo. Ang iba kasi, bina-bash siya sa Twitter, ang daming sinasabing nakaka-stress kung seseryosohin at hindi puwedeng hindi mabasa dahil itse-check mo talaga ang comments.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Nakakatuwa lang dahil may ibang fans ng ibang artista na inaasar ang fans ni Nadine at fans nila ni James Reid. Hindi na raw sila makakabasa ng update kay Nadine sa ginawa nito.

Sabagay, napapanood pa naman si Nadine sa It’s Showtime at wish ng fans niya, hindi na siya mag-absent para lagi siyang napapanood.