PATULOY na nangunguna sa ratings game ang ABS-CBN sa entertainment shows man o news programs ayon sa data ng viewership survey nitong nakaraang buwan na inilabas ng Kantar Media.

Nagkamit ang Kapamilya Network ng average audience share na 46% sa pinagsamang rural at urban homes na 12 puntos ang lamang kumpara sa GMA na mayroon namang 34%.

Mas pinanonood ng viewers sa buong bansa ang SONA live coverage ng ABS-CBN na Pangakong Pagbabago: State of the Nation Address 2017 na nagkamit ng average national TV rating na 16.6%, mas mataas kumpara sa SONA 2017 (7.8%) ng GMA.

Nananatiling nangungunang newscast sa bansa ang TV Patrol (30.8%) at tinalo ang 24 Oras (19.6%).

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nangunguna pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano (37.3%) sa listahan ng mga paboritong programa nitong Hulyo sa pagbubukas ng bago nitong yugto sa pagpasok ni Cardo (Coco Martin) bilang parte ng Special Action Force (SAF). Pumangalawa ang tinututukan ding La Luna Sangre (34.8%) lalo’t pinag-usapan nang husto ang transformation ni Malia (Kathryn Bernardo) bilang Miyo at ang paglalapit ng landas nila ni Tristan (Daniel Padilla).

Tinutukan sa telebisyon at maging sa online world ang paligsahan The Voice Teens (34.2%), na si Jona Soquite ng Team Sarah ang itinanghal na kampeon. Sumunod naman ang madamdaming mga kuwento ng letter senders sa Maalaala Mo Kaya na nagkamit ng 31.1%.

Napukaw naman ang puso ng mga manonood sa mga aral na hatid ng Wansapanataym sa nakamit na 28.3%. Bagong kuwento na ang napapanood sa pagbida ni Awra Briguela bilang superhero sa Wansapanataym Presents Amazing Ving.

Katatawanan naman ang hatid ng weekend comedy programs na Home Sweetie Home (23.3%) at Goin Bulilit (20.7).

Hindi rin nagpapahuli sa listahan ang Wildflower (23.9%) na patuloy na pinag-uusapan maging sa social media dahil sa mga kapana-panabik na mga eksena nito tuwing hapon.

Pasok din sa top 20 programs ang It’s Showtime (Saturday) (18%), ang legal-drama sa hapon na Ipaglaban Mo (17.8%), at kuwento ng pagmamahalan nina Andeng (Bea Alonzo) at Anton (Ian Veneracion) sa A Love to Last (17.5%).

Namayagpag din sa lahat ng timeblocks ang ABS-CBN noong Hulyo, partikular na sa primetime (6PM-12MN), na nagtala ng average national audience share na 51%, kumpara sa 32% n g GMA.

Tinutukan din ang Kapamilya network sa morning block (6AM-12NN) sa naitalang 40%, kumpara sa 33% ng GMA; sa noontime block (12NN-3PM) sa nairehistrong 44% laban sa 39% ng GMA; at sa afternoon block (3PM-6PM) -- 43% kumpara sa 38% ng GMA.

ABS-CBN din ang naghari sa iba’t ibang parte sa bansa. Sa Total Luzon, nagtala ang Kapamilya Network ng average national audience share na 42% kumpara sa 37% ng GMA; sa Total Visayas sa nakamit na 55% kumpara sa 28% ng GMA; at Total Mindanao na nagrehistro ng 55% laban sa 30% ng GMA.