LAS VEGAS (AP) — Tumataginting na $30,000 ang inirekomendang piyansa ng Las Vegas federal judge para sa British cybersecurity researcher na inaakusahan ng U.S. prosecutors na bumuo ng software na magagamit sa pagnanakaw ng banking passwords.
Sinabi ng abogado ni Marcus Hutchins na haharapin ng 22-anyos na hacker ang kaso.
Biglang sikat si Hutchins sa pagtulong sa pagpapakalat ng WannaCry ransomware attack na sumira sa libu-libong computer sa buong mundo.
Nagprotesta ang ilang cybersecurity community para kay Hutchins at tinawag siyang maprinsipyong hacker. Napalagay ang kanyang mga tagasuporta sa ipinagkaloob na kondisyon para sa kanyang paglaya.
“This is excellent news,” ayon kay Nicholas Weaver, isang computer scientist sa University of California sa Berkeley. “The indictment is remarkably shallow even by indictment standards, which is disappointing because it adds considerable uncertainty and fosters distrust with the general security community.”