Ni: Bert de Guzman
Umaasa ang mamamayan at maging ang mga mambabatas na magiging self-sufficient o magiging sapat na ang supply ng bigas sa bansa sa 2018, gaya ng ipinangako ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.
Ayon kay House appropriations chairman at Davao City Rep. Karlo Nograles, dahil 50% ng buong budget ng Department of Agriculture (DA) ay inilaan sa rice production, umaasa sila na matutupad ang pangako ni Piñol na magiging sapat na ang bigas sa bansa at hindi na kakailanganin pang umangkat sa susunod na taon.
Sa budget briefing ng DA kahapon, binanggit ni Nograles na noong 2016 ay idineklara ni Piñol na magiging rice sufficient na ang bansa sa 2018, bagamat sa panukalang budget ng kagawaran ay aangkat pa rin ang National Food Authority (NFA) ng 580,050 metriko tonelada ng bigas.