Ni NITZ MIRALLES

UMAAPAW na good vibes ang hatid sa mga nakakita ng picture na magkakasama sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at Jazz at sina Patrick Garcia, asawa nitong si Nikka at dalawang anak na babae.

DENNIS JENNYLYN PATRICK NIKKA AT MGA BATA copy copy

Positive lahat ang comments sa Instagram ng misis ni Patrick na siyang nag-post ng picture.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kitang-kita na masaya ang samahan ng kanilang pamilya sa litrato na parang kuha sa bahay ni Jennylyn dahil si Jazz, walang suot na sapatos. Si Dennis naman, hawak pa ang pet dog ni Jennylyn na si Connor.

Ang gandang titigan ng litrato dahil pare-parehong nakangiti ang apat na adults at ang eldest daughter nina Patrick at Nikka. Wala sa mood mag-smile si Jazz at bunsong anak nina Patrick at Nikka.

Ilang araw na silang nagsasama-sama, sa birthday pa yata ni Connor dahil ‘yun ang mga damit na suot nina Dennis at Jennylyn sa IG stories ni Jen. Pero nitong Thursday lang ipinost ni Nikka ang picture, hindi nag-post sina Patrick, Jennylyn at Dennis.

Maikli at black na ang buhok ni Jennylyn sa picture, wala na siyang bakas ng pagiging Steffi Cheon, ang karakter niya sa My Love From The Star. Paghahanda na siguro niya ito sa shooting ng Almost Is Not Enough, ang MMFF entry ng Quantum Films na si Derek Ramsay at hindi na si Jericho Rosales ang leading man niya.

Samantala, matutuwa ang fans nina Jennylyn at Gil Cuerva na sumusubaybay sa My Love From The Star dahil bukas, guest sila sa Sunday Pinasaya. Sa hapon, may mall show sila sa Starmall San Jose Del Monte, 5 PM, kasama ang ilang cast ng serye.”