Ni JIMI ESCALA

MAY nakausap kaming ABS-CBN executive na malapit kay Robi Domingo na nagkuwentong napapadalas ang pagkikita ng TV host at ng dating kasintahang si Gretchen Ho.

GRETCHEN AT ROBI copy

Obserbasyon ng kausap namin, hindi malayong magkabalikan ang dalawa. Isa raw siya sa mismong nakakasaksi sa madalas na pag-uusap ng dalawa na nagkakabiruan na uli ngayon, huh!

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pareho raw masaya sina Robi at Gretchen nang magkasama sa isang hosting job last month, tuluy-tuloy ang biruan na parang walang nangyaring hiwalayan.

Magkasama rin sina Robi at Gretchen sa bagong TV project na University Town ng ABS CBN Sports and Action. Kaya ayon malamang daw na tuluy-tuloy na sa muling pagiging magkasintahan ang dalawa.

Ayon naman kay Robi nang mainterbyu sa Magandang Buhay, hindi raw niya masasabi kung mauuwi sa “pagbabalikan” ang madalas nilang pagkikita ngayon. Pagkatapos ng mahigit tatlong taong relasyon, apat na buwan nang hiwalay sina Robi at Gretchen, pero klaro ang inamin ni Robi na magkaibigan silang dalawa ngayon.

“Sa totoo lang, nu’ng una naming taping ng University Town para sa Sports and Action, parang awkward kami sa isa’t isa. Hindi ko talaga alam kung papaano ko ilalabas at kung paano ko bibigyan ng panibagong atake ang pagiging co-host naming dalawa,” sey ni Robi.

Pero habang tumatagal, mas nagiging okay raw ang batuhan nila ng spiel at kuwentuhan.

“Mas nagiging open siya. Then humihirit pa siya na kung nakapag-move on na raw ba ako,” natatawang kuwento ni Robi.