Ni: Jeffrey G. Damicog

Aabot sa P20 milyong halaga ng pekeng branded bag ang nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsalakay sa mga tindahan sa Pasay City.

Kinumpiska ng mga operatiba ng NBI-National Capital Region (NBI-NCR) ang 6,742 pekeng The North Face bag sa operasyon nitong Martes.

Nakuha ang mga pekeng paninda sa mga retail stores na matatagpuan sa Baclaran Terminal Plaza Mall, sa kahabaan ng Taft Avenue Extension.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakakuha rin ng mga pekeng paninda sa apat na stock room na matatagpuan sa Sunjoy Tower 1 sa kahabaan ng Capt. Ambo Street.

Dahil dito, mahaharap sa kasong Trademark Infringement, sa ilalim ng Intellectual Property Code of the Philippines, ang mga may-ari ng tindahan.