ISASAGAWA ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pakikipagtulungan ng Sports Development Division of the City Mayor’s Office (SDD-CMO), ang Kadayawan Girls Volleyball Tournament sa Agosto 11-13 sa University of Mindanao (UM) gym sa Matina, Davao City.

psc copy

Sa pakikipagpulong sa mga coordinators ng Philippine Sports Institute (PSI), iginiit ni Project head PSC Commissioner Charles Raymond A. Maxey na bigyan ng prioridad ang lahat ng pangangailangan ng mga batang kalahok sa dalawang araw na torneo.

Bukod sa libreng parade shirts, certificates at transportation allowance, makakakuha rin ang mga kalahok ng libreng pagkain.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ang Department of Education (Deped) Davao City Division ang siyang mangangasiwa sa partisipasyon ng mga elementary public school sa lungsod.

Sa kasalukuyan, may 10 koponan ang kompirmadong lalahok kabilang ang San Roque Central Elementary School, Davao Central Elementary School, Santa Ana Central Elementary School, Maa Central Elementary School, Calinan Central Elementary School, Tugbok Central Elementary School, Baguio Central Elementary School, F. Bangoy Central Elementary School and one school each from Bunawan at Tibungco.

Nakatakda ang coaches’ briefing sa Agosto 10.

Si PSC Chairman William “Butch” Ramirez ang magbibigay ng keynote sa opening ceremony ng torneo na pangangasiwaan ng Balibolista de Dabaw sa pangunguna ni Abet Bernan bilang tournament director.

Nakalaan ang cash prizes ng P10,000, P7,000 at P5,000 para sa mangungunang tatlong koponan.