Ni ADOR SALUTA

ISA sa mga artistang pinaka-busy ngayon si Awra Briguella dahil bukod sa Ang Probinsyano at Wansapanataym Presents Amazing Ving, nag-umpisa na rin ang shooting niya sa upcoming Metro Manila Film Festival entry ni Coco Martin na Ang Panday.

Awra at Coco - pls crop copy

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

“Happy naman din sa Panday dahil sobrang ganda rin ng story niya. From the start no’ng napasok ako sa Probinsyano, lalaki na tinatago ko ‘yung katangian ko. Dito mauulit ‘yun pero napakadaming twist na magaganap na sobrang matatawa ka,” bungad ng child star.

Todo-todo ang pasalamat ni Awra kay Coco Martin, na siyang nagbigay sa kanya ng pagkakataong makapasok siya sa showbiz.

“Super happy kasi kahit ang dami na naming bata, siyempre ba naman ikaw ba hindi ka ba magiging masaya, napakadami mo nang nakasamang bata pero ‘sinasama ka pa rin niya. ‘Yung parang lahat kayo pantay-pantay na aalagaan ko, di ko kayo pababayaan. Iyon ‘yung nararamdaman ko na kung gaano kami kamahal ni Kuya Coco, kaya happy ako kasi ‘di niya talaga ako pinabayaan,”.

Kahit sikat na at kumikita sa pag-aartista, hinding-hindi niya isasantabi ang pag-aaral. Sa katunayan, sinabi niya na si Coco ang nagpapaaral sa kanya.

“Napakasaya ko rin na si Kuya Coco ang nagpapaaral sa akin sa AMA. Home study po, si Kuya Coco po ang nag-sponsor sa akin. Lahat kaming bata sa Probinsyano binigyan niya. ‘Yung tatlong taga-Cebu sa Angelicum niya ‘pinasok, ako sa AMA kasi ano na ako, eh, Grade 8 na ako kailangan mga computer (lessons) na,” sey ni Awra.

Gusto niyang magkaroon ng college degree.

“Lahat naman tayo kahit naman gaano ka pa kayaman kailangan mo pa rin makapagtapos kasi napakalaking karangalan talaga iyon. Sa lahat ng maa-achieve mo wala ‘yun kung nakapagtapos ka ng pag-aaral,” wika pa ng bagets.