Ni Marivic Awitan

Blazers, madaling naapula ng Lyceum Pirates.

NASA tamang panahon at malupit ang paghihiganti ng Lyceum Pirates.

Napanatili ng Intramuros-based cagers ang malinis na karta at pangunguna sa Season 93 NCAA men’s basketball tournament nang durugin ang St. Benilde Blazers, 98-55, kahapon sa FilOil Flying V Center.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kinulata ng Pirates ang Blazers sa matinding 39-12 run sa first quarter tungo sa dominanteng 47-21 bentahe sa halftime.

Sa second half, hindi na nakaahon ang Blazers sa hukay ng kabiguan para angkinin ng Pirates ang ikalimang sunod na panalo sa elimination round ng pinakamatandang basketball league sa bansa.

Pinangunahan ni JC Marcelino ang ratsada ng Pirates sa nakubrang 17 puntos, habang katuwang sa pagdepensa sa karibal na nagtamo ng 20 turnover na naging daan para sa scoring run ng Lyceum na umabot ang kalamangan sa 46 puntos, 91-45, mula sa lay-up ni Cj Perez.

“We remember the time that they beat us last year for their only win. That turned out to be the motivation for us,” pahayag ni Lyceum head coach Topex Robinson, patungkol sa kahihiyang tinamo sa kamay ng Blazers a nakalipas na season.

“We just wanted to honor the game and try to play as hard as we can no matter who it is we’re playing,” aniya.

Nag-ambag si Wilson Baltazar ng 16 puntos, tampok ang apat na three-pointer, habang kumana si Perez ng 14 puntos, pitong assist at anim na rebound.

Nanguna si Unique Naboa sa Benilde sa natipang 14 puntos.

Sa junior division, nakabawi ang St. Benilde-La Salle Greenhills nang maungusan ang Lyceum of the Philippines University, 88-87.

Ginapi naman ng Arellano High School ang Colegio de San Juan de Letran, 86-79.

Iskor:

(Juniors)

Benilde (88) – Cagulangan 19, Bordeos 16, Fornillos 15, Marcos 8, Morales 8, Pedrosa 5, Lao 4, Perez 4, Lepalam 3, David 2, Mosqueda 2, Dela Cruz 2.

Lyceum (87) – Cunanan 15, De Leon 13, Guadana 12, Sandoval 12, Salazar 12, Ruiz 8, Umpad 7, Manuel 5, Barba 2, Ortiz 1.

Quarterscores; 22-23, 43-48, 67-72, 88-87

(Juniors)

Arellano (86) – Fermin 26, Camacho 15, Segura 14, Fornis 8, Domingo 7, Bataller 6, Espiritu 5, Liango 4, Tamayo 1.

Letran (79) – Ganapathy 14, Culanay 12, Tolentino 10, Monje 9, Cordero 8, Aniban 7, Reyson 7, Guarino 7, Labrador 5.

Quarterscores: 21-20, 43-31, 67-53, 86-79

(Seniors)

Lyceum (98) – Marcelino JC 17, Baltazar 16, Perez 14, Pretta 10, Tansingco 9, Marcelino JV 7, Nzeusseu 6, Caduyac 6, Marata 4, Ayaay 4, Santos 4, Serrano 1.

St. Benilde (55) – Naboa 14, Leutcheu 7, Belgica 7, Johnson 6, San Juan 4, Bunyi 4, Young 3, Domingo 3, Pili 3, Castor 2, Suarez 2.

Quarterscores: 16-11; 47-21; 68-34; 98-55.