Ni: Orly L. Barcala

Sabay-sabay dinakma ng awtoridad ang siyam na katao sa pagsalakay sa isang bahay na nagsisilbi umanong drug den sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga inaresto na sina Teodoro Borea, 60, may-ari ng sinalakay na bahay sa No. 145 3rd Avenue, Barangay 120, Grace Park ng nasabing lungsod; Flor Labutong, 34; Sabrina Argote, 18; Angelic Guiling, 20; Roberto Bocas, 25; Salvador Guiling, 20; Marlon Guitierrez, 52; Howard Roleras, 22; at Christopher Ngo, 18, pawang ng 3rd Avenue, Bgy. 120, Grace Park.

Ayon kay PO2 Benjamin Bado, ng Police Community Precinct (PCP) 2, nakatanggap sila ng impormasyon na mayroong nagaganap na pot session sa bahay ni Borea.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Sinalakay ng mga tauhan ng PCP 2 ang nasabing lugar at nahuli sa aktong bumabatak ang mga inaresto, dakong 9:30 ng gabi.

Narekober sa pinangyarihan ang mga drug paraphernalia at hindi mabatid na dami ng umano’y shabu.