Ni: Leo P. Diaz

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Dalawang lalaking paksa ng search warrant ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Barangay Poblasyon sa Tacurong City, Sultan Kudarat kahapon ng madaling araw.

Timbog sa naunang pagsalakay si Bobong Garbosa, nasa hustong gulang, may asawa, at nakatira sa Daang Malvar Extension sa siyudad, na nakumpiskahan umano ng 15 sachet ng hinihinalang shabu.

Sinalakay din ang bahay ni Jun Pamplona, nasa hustong gulang, may asawa, walang hanapbuhay, at sinasabing kapatid ng isang pulis, sa Biaca Subdivision sa lungsod.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nasamsam sa loob ng bahay ni Pamplona ang isang paltik na baril at anim na bala nito, P23,580 cash na pinaniniwalaang kita sa shabu, 4.67 gramo ng hinihinalang shabu, ilang cell phone, iba’t ibang wristwatch, dalawang bala ng M-16, at drug paraphernalia.

Naabutan din umano ng raiding team ang ilang menor de edad sa bahay ni Pamplona, na hinihinalang binebentahan ng shabu at doon na rin bumabatak.