Ni: Cover Media

TAHIMIK na tinatawagan ni Jennifer Garner ang kanyang celebrity friends upang tulungan siyang mag-set up ng ilang dates.

Inamin kamakailan sa publiko ng kanyang estranged husband na si Ben Affleck ang relasyon nito sa TV producer na si Lindsay Shookus. Naghiwalay ang bituin ng Argo at si Jennifer noong Hunyo 2015 pagkaraan ng 10 taong pagsasama bilang mag-asawa, at ayon sa mga ulat ay ang pambababae ni Ben ang dahilan ng hiwalayan.

Jennifer copy copy

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ngayon ay iniulat na nakahanda nang magkaroon ng bagong karelasyon si Jennifer.

“She’s back in touch with her former co-star Mark Ruffalo, which is going to sting, because Ben has always had a problem with their friendship,” sabi ng isang insider sa Heat magazine ng Britain. “Jen has asked Mark and his wife Sunrise to set up some blind dates for her - she knows a new romance will not only make Ben jealous, it’ll show she’s moved on, too.”

Idinagdag ng source na ang kaibigan ni Jennifer na si Reese Witherspoon at asawa nitong si Jim Toth, ay gumawa rin ng listahan ng suitable guys para sa kanya.

“They think she should date an actor, agent or other big player - someone who will bruise Ben’s ego with their looks and power,” anila.

Nang umamin sa publiko sina Ben at Lindsay, naglabasan din ang mga ulat na nauna nang kinompronta ni Jennifer ang blonde TV producer noong 2015 tungkol sa closeness nito kay Ben. Kalaunan ay sinagot ni Lindsay ang mga tsismis sa kanyang Twitter, isinaad na, “I will say that under no circumstances did my relationship begin as an affair.”

Abala si Jennifer sa pag-aalaga sa mga anak nila ni Ben, sina Violet, 11, Seraphina, 8, at Samuel, 5, at wala pang komento tungkol sa mga ulat.

“She’s putting on a smile, but behind the scenes, she’s ready to get back out there,” sabi ng source. “She doesn’t want any ‘poor Jen’ from the public or her friends - she wants to show everyone that she’s moved on.”