Ni: Complex

INIHATID na sa huling hantungan si Chester Bennington, ang frontman ng Linkin Park na nagpakamatay nitong Hulyo 20, malapit sa kanyang tahanan sa Palos Verdes, CA, nitong Sabado ng hapon.

Dumalo sa libing ang kanyang banda at iba pang mga musikerong kakilala at nakasama ni Chester sa pagtugtog. Kabilang sa serbisyo ang paglalagay ng stage para sa musical tributes.

Binigyan ang mga dumalo sa funeral ng wristbands at tickets na may disenyong animo ay concert passes.

Tsika at Intriga

#BALITAnaw: Social media influencers na naging pasabog ngayong 2024

Napagdesisyunan ng pamilya na gawing pribado ang paglilibing kapiling ang kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan, ngunit nag-organisa ang fans ng singer ng sariling memorial para sa Linkin Park singer. Nag-tweet si Mark Shinoda, founder ng banda, ng isang link ng Google Doc na puno ng impormasyon ukol sa mahigit 300 memorial na isinagawa sa buong mundo upang bigyang-pugay si Bennington.

Ang ilan sa mga ito ay isinagawa sa mga lugar na pagtatanghalan sana ng banda, bago pa man kinansela ang mga nalalabing tour sa pagpanaw ng kanilang frontman.

Nagbigay-pugay din ang Linkin Park bassist na si Dave “Phoenix” Farrell sa pamamagitan ng Twitter, at sinabi ang kanyang papuri at taos-pusong pagmamahal sa kaibigan. Nag-share rin ito ng ilang photo tweets mula sa memorial na isinagawa ng fans sa Naples, Italy, Johannesburg, South Africa, Lima, Peru, London at New York City.

Apatnapu’t isang taong gulang si Chester Bennington, na inulila ang kanyang asawa at anim na anak. Ayon sa awtoridad, nagbigti si Bennington sa Palos Verdes Estates residence sa Los Angeles County.