DUBAI (Reuters) – Tinawag ng foreign minister ng Saudi Arabia ang aniya’y demand ng Qatar para sa internationalization ng Muslim hajj pilgrimage na isang deklarasyon ng digmaan laban sa kaharian, iniulat ng Al Arabiya television nitong Linggo, ngunit itinanggi ng Qatar na may ganito silang panawagan.

“Qatar’s demands to internationalize the holy sites is aggressive and a declaration of war against the kingdom,” sinabi ni Adel al-Jubeir ayon sa website ng Al Arabiya.

“We reserve the right to respond to anyone who is working on the internationalization of the holy sites,” aniya.

Nilinaw ni Qatari Foreign Minister Sheikh Mohammed bin Abdulrahman al-Thani na walang opisyal mula sa kanyang bansa ang gumawa ng ganitong panawagan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“We are tired of responding to false information and stories invented from nothing,” ani Sheikh Mohammed sa Al Jazeera TV.