FRANKFURT AM MAIN (AFP) – Magdadaos ang Germany ng debate sa kinabukasan ng diesel engine sa susunod na linggo.

Gaganapin ang ‘’national diesel forum’’ sa Berlin sa Miyerkules sa gitna ng muling pagdududa sa emissions-fixing at panawagan na ipagbawal ang diesel-powered vehicles sa mga lungsod upang mabawasan ang polusyon.

Pangungunahan ni Environment Minister Barbara Hendricks at Transport Minister Alexander Dobrindt ang summit na dadaluhan ng carmakers na aktibo sa Germany, kabilang ang VW na may subsidiary ng Audi at Porsche, Mercedes-Benz maker Daimler, BMW, Opel at Ford, na ang European headquarters ay nasa Cologne.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina